Access Millions of academic & study documents

EVERYTHING ABOUT HER (PAGSUSURI)

Content type
User Generated
Showing Page:
1/4
Pamagat:
Ang pelikulang Everything About Her sa Direksyon ni Joyce E. Bernal ay tumatalakay sa buhay ng isang
matapang at makapangyarihang babae na si Vivian Rabaya na sa kalaunan ay nagpakita ng malambot na
puso sa tulong narin ng simple at masayahing karakter na si Jaica--kung saan dito nagsimula ang drama
ng istorya dahil sa pagpasok ni Albert na siyang anak ng bida na si Vivian.
Tauhan:
Tatlo ang pinakapangunahing karakter sa istorya, una ay si Vivian Rabaya na siyang binigyang buhay ni
Vilma Santos-ang isang mayaman at matapang na babae na sinubok ng sakit na kanser na sa kalaunan
ay lumabas ang malambot na puso dahil sa anak niyang matagal niyang hindi nakikita. Sunod ay si Angel
Locsin bilang si Jaica Domingo--ang isang masipag at tinatangkilik na nurse at mapagmahal na anak,
ginagawa niya ang laht upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang mga kapatid at ng kanyang
ama, tulad ng sitwasyon ni Vivian, malayo rin ang loob ni Jaica sa sariling ina dahil iniwan nito ang
kanyang pamilya at pinili ang mamuhay sa ibang bansa. Ang huli ay ang anak ng bida na si Albert Mitra
na ginanap ni Xian Lim, isang arkitekto na sa murang edad ay nawalay rin sa kanyang inang si Vivian dahil
sa kawalan nito ng oras sa pamilya para sa kanyang sariling kompanya.
Tagpuan:
Ginanap ang pelikula sa Pilipinas, masasabi kong angkop ang lunan at panahon ng paggawa nito dahil
maganda ang kibalabasan ng kuwento at hindi naging sagabal ang tagpuan dito.
Sinematograpiya:
Bagamat sabihin nating hindi bago ang gantong uri ng kwento sa panahon ngayon, masasabi ko parin na
ang pagkakagawa ng pelikula ay napakagaling marahil sa maayos ang pagkakasunod sunod ng daloy ng
kwento sa pagpapahayag, hindi nakakasakit sa mata ng manonood ang sinematograpiya ng pelikula at
nakakaantig puso rin ang napiling musika.
Banghay:
Nagsimula ang pelikula sa paghahayag ni Vivian ng kanyang talumpati sa likod ng pagpapakit ng mga
senaryo tungkol sa tagumpay niya bilang isang namamahala ng kompanya, at mga karanasan at
katangian niya bilang isang babae habang ito ay patungo sa awards night. Sa kanilang daan ay may
nakita siyang palaboy na namamahinga sa gilid ng kalsada at namilit itong balikan nila upang kausapin.

Sign up to view the full document!

lock_open Sign Up
Showing Page:
2/4
Nang si Vivian ay nasa awards night na, nangyari ang hindi inaasahang pagkawala niya ng malay at
pagkatumba. Dito kalaunan ay nalaman niyang siya ay may sakit na kanser at nasa malala na siyang
kondisyon. Hindi maaaring malaman ng karamihan ang kondisyon nito kaya naman ay naghanap siya ng
pinakamahusay na nurse na kailangan ay bantay nito ng maigi si Vivian habang nagtatrabaho, at ang
nurse na iyon ay si Jaica.
Sa kadahilanang wala nang kasiguraduhan ang pagtagal ni Vivian sa larangan nito ay nagsagawa siya ng
proyektong pamahay para sa mga empleyado nitong nangangailangan, dahil sa pagmamadali
nagpahanap ito ng magaling na arkitektong makakapagtupad ng plano niyang maibigay ang matibay
ngunit mura ang mga materyales sa paggawa na pamamahayan.
Isang kasamahan ni Vivian ang nagbigay ng papel kay Jaica na may sulat ng numero ng nagngangalang
Albert na nagsabing kailangang matawagan, at mahikayat nitong bumalik sa Albert sa tahanan ng
kanyang ina. Labis ang pag-aalala ni Jaica sa kanyang boss kaya naman ay ginawa niya ang pagtawag sa
lalaking ito na hindi niya naman alam ay siya palang anak ni Vivian.
Dahil sa malaking aggwat ng relasyon ng mag-ina na si Vivian at Albert, nahirapan si Jaica na kumbinsihin
ang binatang lumapit pabalik ito sa ina kaya naman kahit ayaw ni Vivian na malaman ng iba na may sakit
ito, palihim na sinabi ni Jaica ang totoo kay Albert.
Nagkita ang mag-ina sa kompanya makalipas ang ilang araw, at dito nakaramdam ng matindihing
emosyon ang mag-ina, liban sa galit at sakit ay lumabas ang hindi maikailang pagmamahal sa mga mata
ng dalawa. Hindi napigilan ni Albert ang lumiban dahil sa sakit na nararamdaman nito nang maalala niya
ng ginawa ng ina sa pamilya nila ngunit hindi ito pinalampas ni Vivian kya inutusan niya si Jaica at
hinabol siya nito para pigilan.
Nagtagumpay ang pagpipigil ni Jaica at unti tuning sinubukan ni Albert ang magtrabaho sa kanyang ina
habang nagpapakita ng malamig na pagtrato sa kanyang ina. Dumating sa puntong umatake ang sakit ni
Vivian at agad siyabg tinulungan ng nurse niyang si Jaica at anak nitong si Albert, dito ay napagtanto ni
Vivian na alam na pala ni Albert ang sitwasyon nitong sakit kaya't labis nalang ang kanyang galit sa
pagsisinungaling sakanya ng dalawa. Makalipas ang ilang oras ay naging maayos ang lagay ni Vivian
ngunit lumiban si Albert dahil sa sakit na nararamdaman habang nakikita ang kanyang inang
nahihirapan.
Naging komplikado ang lahat ngunit naisaayos rin ang istorya dahil umusbong ang hindi mapipigilang
pagmamahal ng anak sa kanyang ina. Ganun pa man, ang pag-asang babalik ang nanay ni Jaica sa
kanilang pamilya ay sinusubukan ring ibalik ni Jaica sa kanyang damdamin kaya't naglakas loob itong
kausap ang kanilang ina.

Sign up to view the full document!

lock_open Sign Up
Showing Page:
3/4

Sign up to view the full document!

lock_open Sign Up
End of Preview - Want to read all 4 pages?
Access Now
Unformatted Attachment Preview
Pamagat: Ang pelikulang Everything About Her sa Direksyon ni Joyce E. Bernal ay tumatalakay sa buhay ng isang matapang at makapangyarihang babae na si Vivian Rabaya na sa kalaunan ay nagpakita ng malambot na puso sa tulong narin ng simple at masayahing karakter na si Jaica--kung saan dito nagsimula ang drama ng istorya dahil sa pagpasok ni Albert na siyang anak ng bida na si Vivian. Tauhan: Tatlo ang pinakapangunahing karakter sa istorya, una ay si Vivian Rabaya na siyang binigyang buhay ni Vilma Santos-ang isang mayaman at matapang na babae na sinubok ng sakit na kanser na sa kalaunan ay lumabas ang malambot na puso dahil sa anak niyang matagal niyang hindi nakikita. Sunod ay si Angel Locsin bilang si Jaica Domingo--ang isang masipag at tinatangkilik na nurse at mapagmahal na anak, ginagawa niya ang laht upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang mga kapatid at ng kanyang ama, tulad ng sitwasyon ni Vivian, malayo rin ang loob ni Jaica sa sariling ina dahil iniwan nito ang kanyang pamilya at pinili ang mamuhay sa ibang bansa. Ang huli ay ang anak ng bida na si Albert Mitra na ginanap ni Xian Lim, isang arkitekto na sa murang edad ay nawalay rin sa kanyang inang si Vivian dahi ...
Purchase document to see full attachment
User generated content is uploaded by users for the purposes of learning and should be used following Studypool's honor code & terms of service.
Studypool
4.7
Indeed
4.5
Sitejabber
4.4