Showing Page:
1/5
BALAGTASAN Babaeng Pinuno
PAUNANG SALITA (INTRO)
1 Tagapagsalita:
1. Aming mga ginigiliw na kababayan
Mula sa malayo o malapit man
Ngayong araw na ito, inyong masasaksihan
Kung bakit kailangan ni Eva si Adan
2. Ang tanong ng bayan, alin ang mas hihigit pa
Tapos na ang pagtatalo sa tingin lang nanalo na si Maganda
Kaming anim na mambabatas pag nagsalita na
Ika nga nila “ Uwian na dahil alam na!”
1.Tagapagsalita
1. Inyong mararapatin ako na ang paunahin
Ang lakambini ng Katipunan -- matapang kahit na merong nasa sinapupunan
Gregoria ang pangalan, ang tinaguriang “Inang Oriang”
Ang kabiyak ni Supremo na si Andres Bonifacio
2. Kapag ang babae ay namuno, ihahalintulad ang bayan sa isang tahanan
Tunay siya ang magiging ilaw para sa magandang kinabukasan
May takot sa Diyos, kaya’t tiyak isasapuso
At bawat sakripisyo kayang gawin kahit para kanino
3. Mas gusgustuhin kong mamuno ang kababaihan
Lalong lalo na sa mundong ating ginagalawan
Maraming bisyo, etikal na mga isyu, at katiwalian
Na sadyang mahina at marupok ang lahi ni Adan
4. Di ko naman minamaliit ang kanilang katapangan
Gaya ng aking si Andres na ang tapang ay tunay na umaapaw
Ngunit di ba kayo nagtataka kung saan ang pinanggalingan
Ang salitang Andres de Saya na sadyang umaalingawngaw
Showing Page:
2/5
2 Tagapagsalita
1. Salamat Gregoria, tunay kang dakila
Sa digmaan ako’y saksi sa taglay ninyong mga Eba
Mga babaeng di inuurungan itak man o bala
Gaya ng aking si Gabriela na aking asawa!
2. Opo, ako si Diego Silang
Na marami ng pinaslang
Sa digmaan ay namuno, ngunit ang gusto kong pangulo
Babae sigurado, pagkat kaya nilang pagyamanin kahit anong talento
3. Tignan ninyo si Gabriela na nagpakadalubhasa
Sa paghawak ng itak at sa pakikibaka
Mga laksa-laksang babae na nagpayaman ng kanilang talino
At di matinag dahil likas ang galing kagaya ni Fe del Mundo
4. Tunay na di mahuhuli ang mga babae
Sa pagalingan, madalas nilalampasan mga lalakeng katunggali
Matinik magisip dahil may female intuition ika nga
Masinsin gumawa kahit sabay sabay at nagsasalita
Kaya’t kahit ako’y lalaking pinuno, sa aki’y babae dapat ang PANGULO!
May busilak na puso, at tiyak na ang pangako hindi mapapako
3 Tagapgsalita
1. Diego aking irog na tinatangi
Di naman makatarungan kung ang tapang mo’y itatanggi
Sa digmaan noon ikaw ay laging nasa aking tabi
Kahit minsan ako ang sumusugod at ikaw ay tumatabi
2. Ako ang unang babaeng namuno sa himagsikan
Lulan ang kabayo at ipinaglaban ang kalayaan
Mariin ang hawak sa itak na tinataas
Lahat ng lalaking matatapang susunod sa aking bigkas
3. Marami ng babae na aking mga kauri
Na namuno ng bayan gaya ni Gloria at ni Cory
Di tinalikuran ang kagitingan ng pagkababae
Nagmamahal ng tapat at sa lalaki’y nagsisilbi
Showing Page:
3/5
4. Di gaya ng ibang lalaking na naging pinuno,
Hindi pinahalagahan mga kabiyak ng puso
Tulad ng presidenteng si Joseph at Rodrigo
Maramihan kung magmahal, kaya’t nagkakagulo
5. Kaya’t itataas kong muli ang itak para sa ating mga babae
Sa digmaang ito, dapat tayo hindi paaapi
Tabi tabi po mga nuno sa punso,
Kailangan ng mga lalaki ang pagtataguang espasyo!
4 Tagapagsalita
1. Ako po si Nonoy Aquino taga-Tarlac aking angkan
Kilala kami na laging lumalaban
Ang tatay kong si Ninoy Batas Militar ang kanyang tinuldukan
Ang nanay kong si Cory pinakita na ang mga Marcos ay may katapusan
2. Ako’y magsasalita ngunit hindi tungkol sa aking pagkapangulo
Dahil ang aking ina ang aking tunay na iniidolo
Gaya ni Gabriela, ang nanay ko’y namuno
Pinakita sa buong mundo ang kagandahan ng pagka-Pilipino
3. Tinaguriang “ina ng demokrasiya”
Dahil mahalaga ang tanging kaniyang nagawa,
Sa pagmamalupit ni Marcos,
Mga mamamayan kanyang pinalaya
4. Kung si Emilio Aguinaldo nakipaglaban kay Andres Bonifacio para lamang sa trono
Si Cory pinilit at dali-daling pinasa kay Fidel ang pagkapangulo
Sadyang dapat ganito ang mamumuno
Hindi sakim, hindi said, hindi lihis sa landas na matuwid
Showing Page:
4/5
5 Tagapagsalita
1. “Sa ikauunlad ng bayan babaeng pangulo ang kailangan”
Ani ng aking kabiyak na Fedinand ang pangalan
Imelda Marcos po, ako po ba ay inyong natatandaan?
Ang natatanging First Lady ng ating mahal na Bayan
2. Marahil kayo’y magtataka kung bakit ako’y napasama
Di ba dapat ako’y nasa kabila
Upang ipagbunyi ang kadakilaan ng aking asawa
Na naging Pangulo sa panahong napakahaba
3. Ngunit di siguro lihim na sa bawat tagumpay ng lalaki ay may isang babae
Na laging umuunawa at nagaaruga sa kumpas ng isang hele
Madalas nga ang talas ng isip at tapang ng loob sa kanila nagmumula
Sa malumanay na salita at haplos na kumakalinga tumatapang sila
4. Aking si Ferdie na tadtad ng medalya mula sa digmaan maging sa eskwela
Pagdating ng problema sa mga kapwa politika
Ako ang sinasabak upang makiusap
Dahil sa taglay na talino at ganda tiyak na walang kukurap
5. Di ba’t ang hinala ako ang tunay na namumuno
Dahil sa aking mga proyektong ang bansa’y pinalago
Kagaya ni Teodora Alonzo na ina ni Rizal
Tinanim ang pagkabayani at magagandang asal
6. Asawa man o ina, tunay na sandigan
Ng mga kalalakihan upang sila’y magtagumpay
Di kaya nakakatuwa kung sila na lang kaya
Ang gawing mga pinuno ng ating bayan upang tunay na maging maganda!
Showing Page:
5/5
6 Tagapagsalita
1. Salamat Imelda sa pagpapaalala
Sa aking kabataan na lumipas kasama ng aking ganda
Sing tapang ng Ginang ni Ferdinand kahit ako’y isang tindera
Ako na si Melchora Aquino, na bihasa sa pakikipagkapwa
2. Tandang Sora ang tawag, sa digmaan di pumapalag
Taga-gamot ng Katipunero at sinugugurong pagkain ay nilalapag
Kung ako’y nagtaksil hindi matatagumpayan ang kalayaan
Dahil ako’y isang babae kaya’t mapagkakatiwalaan
3. Malamang kayo’y nagtataka sa taglay na lakas
Isang matanda na puno ng tikas
Tatag ng loob na di natitinag
Yan ang babae matanda man o dilag
4. Kaya’t ako’y naririto upang magpangaral
Sa aking katandaan nalulungkot sa inyong mga asal
Bakit pinaguusapan pa kung kaya ba nila
Mga babaeng mamuno ng isang bansang malaya
5. Teka nga at aking balikan ang aking katwiran na mapagkakatiwalaan
Hindi ba’t ang palikero ay tumutumbok sa lalaking mahilig sa maramihan?
Sa pagtataksil, di ba’t lalaki ang pinagmumulan?
Kayat ang pag-ibig sa bayan tiyak sa pinunong babae tunay na
makakamtam

Unformatted Attachment Preview

BALAGTASAN – Babaeng Pinuno PAUNANG SALITA (INTRO) 1 Tagapagsalita: 1. Aming mga ginigiliw na kababayan Mula sa malayo o malapit man Ngayong araw na ito, inyong masasaksihan Kung bakit kailangan ni Eva si Adan 2. Ang tanong ng bayan, alin ang mas hihigit pa Tapos na ang pagtatalo sa tingin lang nanalo na si Maganda Kaming anim na mambabatas pag nagsalita na Ika nga nila “ Uwian na dahil alam na!” 1.Tagapagsalita 1. Inyong mararapatin ako na ang paunahin Ang lakambini ng Katipunan -- matapang kahit na merong nasa sinapupunan Gregoria ang pangalan, ang tinaguriang “Inang Oriang” Ang kabiyak ni Supremo na si Andres Bonifacio 2. Kapag ang babae ay namuno, ihahalintulad ang bayan sa isang tahanan Tunay siya ang magiging ilaw para sa magandang kinabukasan May takot sa Diyos, kaya’t tiyak isasapuso At bawat sakripisyo kayang gawin kahit para kanino 3. Mas gusgustuhin kong mamuno ang kababaihan Lalong lalo na sa mundong ating ginagalawan Maraming bisyo, etikal na mga isyu, at katiwalian Na sadyang mahina at marupok ang lahi ni Adan 4. Di ko naman minamaliit ang kanilang katapangan Gaya ng aking si Andres na ang tapang ay tunay na umaapaw Ngunit di ba kayo nagtataka kung saan ang pinanggalingan Ang salitang Andres de Saya na sadyang umaalingawngaw 2 Tagapagsalita 1. Salamat Gregoria, tunay kang dakila Sa digmaan ako’y saksi sa taglay ninyong mga Eba Mga babaeng di inuurungan itak man o bala Gaya ng aking si Gabriela na aking asawa! 2. Opo, ako si Diego Silang Na marami ng pinaslang Sa digmaan ay namuno, ngunit ang gusto kong pangulo Babae sigurado, pagkat kaya nilang pagyamanin kahit anong talento 3. Tignan ninyo si Gabriela na nagpakadalubhasa Sa paghawak ng itak at sa pakikibaka Mga laksa-laksang babae na nagpayaman ng kanilang talino At di matinag dahil likas ang galing kagaya ni Fe del Mundo 4. Tunay na di mahuhuli ang mga babae Sa pagalingan, madalas nilalampasan mga lalakeng katunggali Matinik magisip dahil may female intuition ika nga Masinsin gumawa kahit sabay sabay at nagsasalita Kaya’t kahit ako’y lalaking pinuno, sa aki’y babae dapat ang PANGULO! May busilak na puso, at tiyak na ang pangako hindi mapapako 3 Tagapgsalita 1. Diego aking irog na tinatangi Di naman makatarungan kung ang tapang mo’y itatanggi Sa digmaan noon ikaw ay laging nasa aking tabi Kahit minsan ako ang sumusugod at ikaw ay tumatabi 2. Ako ang unang babaeng namuno sa himagsikan Lulan ang kabayo at ipinaglaban ang kalayaan Mariin ang hawak sa itak na tinataas Lahat ng lalaking matatapang susunod sa aking bigkas 3. Marami ng babae na aking mga kauri Na namuno ng bayan gaya ni Gloria at ni Cory Di tinalikuran ang kagitingan ng pagkababae Nagmamahal ng tapat at sa lalaki’y nagsisilbi 4. Di gaya ng ibang lalaking na naging pinuno, Hindi pinahalagahan mga kabiyak ng puso Tulad ng presidenteng si Joseph at Rodrigo Maramihan kung magmahal, kaya’t nagkakagulo 5. Kaya’t itataas kong muli ang itak para sa ating mga babae Sa digmaang ito, dapat tayo hindi paaapi Tabi tabi po mga nuno sa punso, Kailangan ng mga lalaki ang pagtataguang espasyo! 4 Tagapagsalita 1. Ako po si Nonoy Aquino taga-Tarlac aking angkan Kilala kami na laging lumalaban Ang tatay kong si Ninoy Batas Militar ang kanyang tinuldukan Ang nanay kong si Cory pinakita na ang mga Marcos ay may katapusan 2. Ako’y magsasalita ngunit hindi tungkol sa aking pagkapangulo Dahil ang aking ina ang aking tunay na iniidolo Gaya ni Gabriela, ang nanay ko’y namuno Pinakita sa buong mundo ang kagandahan ng pagka-Pilipino 3. Tinaguriang “ina ng demokrasiya” Dahil mahalaga ang tanging kaniyang nagawa, Sa pagmamalupit ni Marcos, Mga mamamayan kanyang pinalaya 4. Kung si Emilio Aguinaldo nakipaglaban kay Andres Bonifacio para lamang sa trono Si Cory pinilit at dali-daling pinasa kay Fidel ang pagkapangulo Sadyang dapat ganito ang mamumuno Hindi sakim, hindi said, hindi lihis sa landas na matuwid 5 Tagapagsalita 1. “Sa ikauunlad ng bayan babaeng pangulo ang kailangan” Ani ng aking kabiyak na Fedinand ang pangalan Imelda Marcos po, ako po ba ay inyong natatandaan? Ang natatanging First Lady ng ating mahal na Bayan 2. Marahil kayo’y magtataka kung bakit ako’y napasama Di ba dapat ako’y nasa kabila Upang ipagbunyi ang kadakilaan ng aking asawa Na naging Pangulo sa panahong napakahaba 3. Ngunit di siguro lihim na sa bawat tagumpay ng lalaki ay may isang babae Na laging umuunawa at nagaaruga sa kumpas ng isang hele Madalas nga ang talas ng isip at tapang ng loob sa kanila nagmumula Sa malumanay na salita at haplos na kumakalinga tumatapang sila 4. Aking si Ferdie na tadtad ng medalya mula sa digmaan maging sa eskwela Pagdating ng problema sa mga kapwa politika Ako ang sinasabak upang makiusap Dahil sa taglay na talino at ganda tiyak na walang kukurap 5. Di ba’t ang hinala ako ang tunay na namumuno Dahil sa aking mga proyektong ang bansa’y pinalago Kagaya ni Teodora Alonzo na ina ni Rizal Tinanim ang pagkabayani at magagandang asal 6. Asawa man o ina, tunay na sandigan Ng mga kalalakihan upang sila’y magtagumpay Di kaya nakakatuwa kung sila na lang kaya Ang gawing mga pinuno ng ating bayan upang tunay na maging maganda! 6 Tagapagsalita 1. Salamat Imelda sa pagpapaalala Sa aking kabataan na lumipas kasama ng aking ganda Sing tapang ng Ginang ni Ferdinand kahit ako’y isang tindera Ako na si Melchora Aquino, na bihasa sa pakikipagkapwa 2. Tandang Sora ang tawag, sa digmaan di pumapalag Taga-gamot ng Katipunero at sinugugurong pagkain ay nilalapag Kung ako’y nagtaksil hindi matatagumpayan ang kalayaan Dahil ako’y isang babae kaya’t mapagkakatiwalaan 3. Malamang kayo’y nagtataka sa taglay na lakas Isang matanda na puno ng tikas Tatag ng loob na di natitinag Yan ang babae – matanda man o dilag 4. Kaya’t ako’y naririto upang magpangaral Sa aking katandaan nalulungkot sa inyong mga asal Bakit pinaguusapan pa kung kaya ba nila Mga babaeng mamuno ng isang bansang malaya 5. Teka nga at aking balikan ang aking katwiran na mapagkakatiwalaan Hindi ba’t ang palikero ay tumutumbok sa lalaking mahilig sa maramihan? Sa pagtataksil, di ba’t lalaki ang pinagmumulan? Kayat ang pag-ibig sa bayan tiyak sa pinunong babae tunay na makakamtam Name: Description: ...
User generated content is uploaded by users for the purposes of learning and should be used following Studypool's honor code & terms of service.
Studypool
4.7
Trustpilot
4.5
Sitejabber
4.4